Kabisaan ng Bridging Strategy sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Ponolohikal ng mga Mag-aaral sa Piling Paaralan sa Distrito ng Bambang I
DOI:
https://doi.org/10.67167/vertex.464Keywords:
bridging strategy, kasanayan sa pagbasa, kamalayang ponolohikal, mag-aaral ng baitang 1Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglayong suriin ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ng Baitang 1 batay sa kanilang kamalayang ponolohikal at alamin ang epekto ng Bridging Strategy sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa literasi. gumamit ng deskriptibong kwantitatibo at kwalitatibong disenyo na may experimental approach upang masukat ang antas ng kasanayan bago at pagkatapos ng implementasyon ng Bridging Strategy. Kasama rin sa pag-aaral ang pagsusuri sa mga hamon na nararanasan ng mga guro sa paggamit ng nasabing pedagogical approach. Bago ang implementasyon ng Bridging Strategy, karamihan sa mga mag-aaral (85%) ay nasa antas ng katamtamang husay, samantalang 5% lamang ang mahusay at 10% ang mahina. Pagkatapos ng paggamit ng Bridging Strategy, 65% ng mga mag-aaral ang nakamit ang napakahusay na antas at 35% ang mahusay, na nagpapakita ng malinaw na pag-unlad sa kanilang literacy skills. Ipinakita rin ng dependent t-test ang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at posttest scores (t = 11.46, p < 0.001), na nagpapatunay sa bisa ng Bridging Strategy sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Natukoy din ang tatlong pangunahing hamon sa paggamit ng Bridging Strategy ng mga guro na kinabibilangan ng kakulangan sa kasanayan ng guro sa lokal na wika, lingguwistikong pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral at hamon sa paglipat ng kaalaman. Ang mga hamong ito ay nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa sapat na instructional resources at patuloy na propesyonal na pagsasanay ng mga guro upang mas epektibong maisakatuparan ang learner-centered approach. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng Bridging Strategy, regular na pagtatasa ng kasanayan sa pagbasa, paggamit ng learner-centered at contextualized na pamamaraan, at pagbibigay ng sapat na suporta at pagsasanay sa mga guro. Mahalaga rin ang kolaborasyon ng mga administrador, komunidad, at Department of Education upang mapalakas ang implementasyon at maipamahagi sa iba pang paaralan.
References
Abdon, J., & Barrios, R. (2022). Phonological awareness interventions using mother tongue in kindergarten learners. University of the Philippines Press.
Alonzo, P. (2018). Interactive instructional strategies for early literacy. Ateneo de Manila University Press.
Ambrose, S. A., Bridges, M. W., DiPietro, M., Lovett, M. C., & Norman, M. K. (2017). How learning works: Seven research-based principles for smart teaching. Jossey-Bass.
Bugtaquen, J. (2024). Indigenized reading materials and phonological awareness development among kindergarten learners. Philippine Journal of Education, 98(2), 45–60.
Bucal, M., & Pawilen, G. (2025). Bridging indigenous knowledge and curriculum standards: A framework for MATATAG implementation. Journal of Philippine Education, 12(1), 25–40.
Casingal, M., Laud, R., & Balaba, J. (2025). Challenges in literacy instruction in multilingual classrooms. Asian Journal of Education, 15(1), 66–82.
Castles, A., Rastle, K., & Nation, K. (2018). Ending the reading wars: Reading acquisition from novice to expert. Psychological Science in the Public Interest, 19(1), 5–51.
Cummins, J. (2021). Rethinking bilingual education. Multilingual Matters.
Darling-Hammond, L., Flook, L., Cook-Harvey, C., Barron, B., & Osher, D. (2020). Implications for educational practice of the science of learning. Applied Developmental Science, 24(2), 97–140.
Department of Education. (2024). Revised MATATAG Curriculum Framework. DepEd.
Dela Cruz, M., & Rey, A. (2023). Phonological awareness and reading achievement in urban schools. Philippine Education Review, 10(3), 112–130.
Ehri, L. C. (2020). Orthographic mapping in the acquisition of sight word reading. Journal of Research in Reading, 43(1), 1–17.
Fiorella, L., & Mayer, R. (2016). Eight ways to promote generative learning. Educational Psychology Review, 28(4), 717–741.
Garcia, O., & Kleifgen, J. (2020). Educating emergent bilinguals. Teachers College Press.
Gillon, G. (2018). Phonological awareness: From research to practice. Guilford Press.
Hattie, J. (2023). Visible learning: The sequel. Routledge.
Lervåg, A., Hulme, C., & Melby-Lervåg, M. (2018). Unpicking the developmental relationship between oral language skills and reading comprehension. Journal of Child Psychology and Psychiatry, 59(3), 322–332.
Mejala, R. (2024). Early language interventions and reading development in Grade 1 learners. Journal of Basic Education Research, 6(1), 55–70.
Ocampo, D., & Pado, F. (2020). Scaffolding strategies in early literacy instruction. Asia Pacific Education Review, 21(4), 567–580.
Olabiyi, O., Shaon, S., & Rebecca, L. (2025). Instructional gaps and literacy challenges in primary education. International Journal of Educational Development, 85, 102–118.
United Nations. (2020). Sustainable Development Goal 4: Quality Education. https://sdgs.un.org






