Mga Salik sa Kasanayan sa Pagbasa sa Filipino ng mga Katutubong Mag-Aaral ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa Bayan ng Catanauan, Quezon: Batayan Upang Makagawa ng Interbensyon

Authors

  • Laica S. Latagan Department of Education Author
  • Dr. Leodegario M. Jalos Jr. Marinduque State University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.19782861

Keywords:

Kasanayan sa pagbasa, katutubong mag-aaral, Filipino, Komprehensyon sa pagbasa, interbensyon, MTB-MLE, salik sa pagkatuto, kontekstuwalisado

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga katutubong mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa bayan ng Catanauan, Quezon, bilang batayan sa pagbuo ng interbensyong makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pagbasa. Sinuri nito ang kasalukuyang antas ng kakayahan sa pagbasa batay sa persepsyon at komprehensyon, gayundin ang mga salik tulad ng wika at kultura, materyales at kagamitan, kondisyon ng kalusugan at pagkatuto, kakayahan ng guro, at teknolohiya. Gumamit ang mananaliksik ng pinagsamang kwantitatibo at kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Sa kwantitatibong bahagi, ginamit ang oral reading assessment batay sa pamantayan ng Phil-IRI upang masukat ang antas ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Sa kwalitatibong bahagi naman, isinagawa ang panayam sa mga guro at magulang upang matukoy ang kanilang mga pananaw at karanasan kaugnay ng mga salik na nakaaapekto sa pagbasa. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang bahagdan, karaniwang iskor, at tematikong pagsusuri. Batay sa resulta, lumitaw na sa aspeto ng persepsyon, karamihan sa mga mag-aaral ay nasa antas na walang gabay at instruksiyunal. Sa komprehensyon naman, mas marami ang nasa antas na instruksiyunal at prustrasyon, na nagpapakita ng mababa hanggang katamtamang antas ng pag-unawa sa binabasa. Natukoy rin na ang kakulangan sa lokal at biswal na babasahin ay nakaaapekto sa komprehensyon at motibasyon sa pagbabasa. Ang pagkapagod, gutom, at maingay na paligid ay nakababawas din sa konsentrasyon ng mga mag-aaral. Ipinakita rin na bagama’t hindi pangunahing hadlang ang kakayahan ng guro, mahalaga pa ring mapalawak ang mga estratehiya sa pagtuturo. Samantala, ang teknolohiya ay maaaring magsilbing epektibong pantulong sa pagkatuto. Sa kabuuan, iminungkahi ang pagpapatupad ng mga programang pampagbasa, pagbuo ng kontekstuwalisadong materyales, at mas aktibong pakikilahok ng paaralan, tahanan, at komunidad upang mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

References

Aclinen, Z. M., & Olesio, M. (2023). Antas ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Grade 8. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, 3(12), 319–345. https://cognizancejournal.com/vol3issue12/V3I1228.pdf

Ana-ao, G. F. (2021). Pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa Grade 10 sa asignaturang Filipino (Unpublished undergraduate thesis). Baguio Central University.

Apolinario, J. R., Makig-angay, A. D., Saavedra, A. D., & Quirante, J. S. (2024). Salik na nakaaapekto sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral na nasa antas ng frustration. American Journal of Humanities and Social Sciences Research.

Baafi, R. K. A. (2020). School physical environment and student academic performance. Advances in Physical Education, 10(2), 121–137. https://doi.org/10.4236/ape.2020.102012

Bai, N. (2019). Educational challenges in the Philippines. Broken Chalk. https://brokenchalk.org/educational-challenges-in-the-philippines/

Balilla, V. S., Demayo, C. G., & Torres, M. A. J. (2021). Traditional ecological knowledge and biodiversity conservation among the indigenous Aeta communities in Luzon, Philippines. Journal of Environmental Science and Management.

Butterfuss, R., Kim, J., & Kendeou, P. (2020). Reading comprehension. In Oxford Research Encyclopedia of Education. Oxford University Press.

Chen, X., Li, Y., & Wang, Z. (2020). The effects of textual and audio-visual materials on test performance and conceptual understanding. Educational Technology Research and Development.

Department of Education. (2024). DepEd Order No. 009, s. 2024. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2024_009.pdf

Department of Education. (2020). DepEd Order No. 018, s. 2020. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2020/08/DO_s2020_018.pdf

Fernandez, N. C. (2024). Ecological education: An approach of an Aeta community school. National Conference on Catechesis and Religious Education Conference Proceedings, 11, 31–32.

Kwegyiriba, A., Mensah, R. O., & Ewusi, E. (2022). The use of audio-visual materials in the teaching and learning process.

Lubid, M. C., Pablo, E. S., Paran, F. L., Payangdo, S. A., Pisda, J. P., & Eguia, M. L. G. (2025). Flashcard: Estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral sa Grade 1. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies.

Molina, E. R. (2021). Challenges teachers encounter when integrating technology in a culturally, linguistically, and diverse high school (Doctoral dissertation, Nova Southeastern University).

NCIP Administrative Order No. 3, Series of 2002. The Revised Guidelines on Free and Prior Informed Consent (FPIC) and Related Processes of 2012. https://ncip.gov.ph/wp-content/uploads/2020/09/ncip-ao-no-3-s-2012-fpic.pdf

Nonggod, G. D. (2021). Paggamit ng “Basa-Pang-Unawa App” bilang interbensiyon sa pagkatuto sa pagganap ng mga mag-aaral. EPRA International Journal of Research and Development.

Noval, R. (2024). Pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa sekundarya sa harapang pagtuturo. Nexus International Journal of Science and Education.

Ranosa, R. (2020). The role of ICT in Philippine basic education. International Journal of Educational Research Review.

Republic Act No. 8371. Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA). https://ncip.gov.ph/republic-act-8371/

Younas, M., Liu, C., Khalid, S., & Bakar, A. (2021). Effect of home environment on students’ academic achievements at higher level. İlköğretim Online.

Downloads

Published

2026-04-26

How to Cite

Mga Salik sa Kasanayan sa Pagbasa sa Filipino ng mga Katutubong Mag-Aaral ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa Bayan ng Catanauan, Quezon: Batayan Upang Makagawa ng Interbensyon. (2026). The International Review of Multidisciplinary Research, 1(4). https://doi.org/10.5281/zenodo.19782861

Most read articles by the same author(s)

Similar Articles

1-10 of 72

You may also start an advanced similarity search for this article.