Pagsusuri sa Antas ng Kaalaman, Pagtanggap at Pagpapahalaga sa Pamahiin sa Panahon ng Gen Z
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20185137Keywords:
paniniwala sa mga pamahiin, pagpapalakas sa kulturang filipino, papel ng Gen Z sa pagpapayaman ng kultura, preserbasyon ng mga pamahiin sa kasalukuyang panahonAbstract
Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa antas ng kaalaman, pagtanggap at pagpapahalaga sa mga pamahiin. Ginamit ang sequential explanatory na dulog upang bigyang-diin ang mga nakalap na datos mula sa mga Gen Z. Para sa kanila, nabigyang-diin sa tulong ng estadistika ang naging antas ng kaalaman tungkol sa mga pamahiin at may berbal na interpretasyong alam. Samantala, ang naging antas ng pagtanggap ay natuklasang hindi gaanong katanggap-tanggap, liban sa mga pamahiin sa hapag-kainan. Mula rito ay nabuo ang mga temang naglalarawan ng respeto at mekanismo ng pag-iwas sa mali na binigyang-halaga sa talakay gamit ang Cultural Transmission Theory ni Stuart Hall. Naipakita na walang kaugnayan ang kanilang sosyo-propayl sa antas ng kaalaman at pagtanggap sa mga pamahiin tungkol sa hapag-kainan, pagpapatayo ng bahay at pagtulog sa gabi. Subalit, may kaugnayan ang kasariang babae sa antas ng kaalaman sa mga pamahiin tungkol sa patay o burol. Samantala, may kaugnayan naman ang kasarian sa pagtanggap sa mga pamahiin sa kasal at pagbubuntis. May kaugnayan naman sa antas ng kaalaman ang espesyalisasyon ng mga kalahok sa kursong Edukasyon kung ang mga pamahiin sa pagsapit ng gabi ang tinutukoy at ang lugar ng tirahan, ang rural, para sa antas ng pagtanggap. Ipinakikita na may alam ang Gen Z sa mga pamahiin, pinahahalagahan ito, subalit di-gaanong tinatanggap sa kabuuan at ang papel sa pagpapalakas ng kultura hinggil sa pamahiin ay iminumungkahing bigyang-pansin sa tulong ng edukasyong pangkultura para sa mas matibay na pag-aakda ng maka-Filipinong identidad.
References
Bautista, C., Guinares, T., Sampol, V., & Tohoy, C. (2020). Pamahiin sa kontemporaryong panahon at importansya nito sa Gen Z. Academia.edu. https://www.academia.edu/44041955/Pamahiin_sa_kontemporaryong_panahon_at_importansya_nito_sa_Gen_Z?pop_sutd=false
Besa, A., Abusama, H., Lao, G., Abraham, E., Cruz, F., Duldulao, S., & Perocho, S. (2021). Perceptions of millennials on Filipino superstitious belief. ASEAN Journal of Science and Engineering Education, 1(2), 101–104. https://doi.org/10.17509/ajsee.v1i2.33393
David, P. M., Ranit, I. J. P., Florendo, K. H., Enoveso, R. S., Dela Cruz, T. K. A., & Enrile, J. G. (2025). Pagpapahalagang kultural sa mga kaugalian at paniniwala sa rural at urban. EPRA International Journal of Research and Development (IJRD), 10(5), 265. https://doi.org/10.36713/epra21445
Dela Cruz, J. B., & Manarang, O. Z. (2020). Ang pagbungkal sa konseptong relihiyon sa talasalitaan ni Bergaño bilang pagtutulay sa kultura-pananampalataya ng mga Kapampangan sa ika-18 siglo. Mabini Review, 9(1), 33–79. https://publishing.pup.edu.ph/ojs/index.php/MabRev/article/download/289/254/835
Emelia, J., Bacongon, J., Batulat, E., Candilado, J., Gayaban, R., & Katalbas, P. (2025, July). Isang pagsipat sa pamahiin sa pagsusulit para sa mga guro (Bachelor’s thesis, Philippine Normal University Visayas). https://doi.org/10.13140/RG.2.2.15913.71522
Formanes, D., Homeres, F. K., Jacobo, J. M., Esperas, V., Dacuno, A. R., & Cañete, D. M. (2025). Sosyal midya: Lundayan sa pagpapahayag ng kamalayang kultural ng mga Gen Z. Journal of Education and Society, 5(1), 85–101. https://www.journals.lnu.edu.ph/index.php/jes/article/view/133
Galdonez, D. P., Licay, W., Buscaino, S. H., Santos, M., Layaoen, A., & Segura, E. (2022). Mga pamahiin sa isang S and T na komunidad: Sipat-siyasat sa karanasan ng mga mag-aaral sa isang science high school. International Journal of Research Studies in Education, 11(1), 1–15. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b001
Hall, S. (2016). Cultural studies 1983: A theoretical history (J. D. Slack & L. Grossberg, Eds.). Duke University Press. https://doi.org/10.2307/j.ctv11cw8wg
Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/
Portillo, G. (2022). Pagsipat sa mga pamahiing Pinoy: Gabay sa pagkuha ng pagsusulit. International Journal of Research Studies in Education, 11(10), 73–79. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.820
Republic Asia Media. (n.d.). Holy Week folklore: Filipino Gen Z on superstitious belief. Republic Asia. https://republicasiamedia.com/generation/holy-week-folklore-filipino-gen-z-on-superstitious-belief/
Sario, M. L. (2017). Gen Z, taglay pa ba nila ang mga tradisyon at kaugaliang Pilipino? Ang Hamon ng Gen Z. https://linapnu.wordpress.com
Siona, C. C., & Esculto, G. R. (2024). Mga pamahiin/paniniwala sa kasal sa seklo ng buhay Surigaonon. International Journal of Advanced Research in Science, Communication and Technology, 4(2). https://doi.org/10.48175/IJARSCT-19412
Toyon, M. A. S. (2021). Explanatory sequential design of mixed methods research: Phases and challenges. International Journal of Research in Business and Social Science, 10(5), 253–260. https://doi.org/10.20525/ijrbs.v10i5.1262
Tirocchi, S. (2023). Generation Z, values, and media: From influencers to BeReal, between visibility and authenticity. Frontiers in Sociology, 8, Article 1304093. https://doi.org/10.3389/fsoc.2023.1304093






